(Banisilan, Cotabato/ April 3, 2013) ---Tatlo ang sugatan ng tambangan
ng mga armadong grupo ang isang kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA)
kahapon dakong alas 5:20 ng hapon sa lalawigan ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Banisilan Municipal Councilor Bobby Radjamuda
na tumatakbo sa ikalawang termino nito sa ilalim ng UNA,sugatan naman ang
kasama nitong sundalo na si Sgt Vernie Hollero ng 40th Infantry Battalion
Philippine Army at driver na si Bobby Delfin.
Ayon kay Banisilan Chief of
Police,Senior Inspector Ritchelle Alocelja na lulan ang mga biktima sa isang
Commando Pick-up mula sa pagpupulong ng mga kandidadto ng UNA sa bayan ng
Banisilan papauwi ng kanilang tahanan ngunit pagsapit nito sa Sitio
Marapangi,Brgy Busaon,bigla itong tinambangan ng grupo ni Kumander Tanda Tidong
na tauhan umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF),kahit tinamaan na ang
mga biktima ay nagawa pa nitong lumaban.
Agad namang umatras ang mga armadong
grupo ng dumating ang pwersa ng militar at pulisya.
Dinala ang mga sugatan sa isang pagamutan
sa Midsayap North Cotabato kung saan nasa ligtas na itong kalagayan.
Sinabi mismo ni Radjamuda na may
personal na away ang kanilang pamilya sa grupo ni Kumander Tanda Tidong at
sinakyan pa ng politika.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang
imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pananambang sa convoy ni Councilor
Radjamuda.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento