Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

K5-isang NGO sa Kabacan, magsasagawa ng pre election activity kabilang na ang Peace Pact-signing sa mga lokal na kandidato ng Kabacan; bukas


(Kabacan, North Cotabato/ April 5, 2013) ---Magsasagawa ang Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran ng Kabacan o K5 ng Voter’s Education, Peace Pact Signing at Candidates forum para sa mga kandidato sa Municipal Level na gagawin sa Notre Dame of Kabacan Inc. Pavilion bukas.

Ayon kay NDKI Peace and Advocacy Coordinator James Anthon Molina, magsisimula ang registration alas 8:00 ng umaga bukas.

Ang nasabing pre-election activity ay bahagi ng kanilang kampanya para sa maayos, malinis at mapayapang halalan ngayong 2013.

Kaugnay nito, hinihikaya’t ngayon ni NDKI Directress Sr. Teresa Rose Salazar, OND ang lahat ng mga mamamayan ng Kabacan na dumalo sa nasabing candidates forum para malaman din ng bawat botanteng Kabakeños ang plata porma de gobyerno ng mga tatakbong kandidato sa bayan.

Bukod dito, may pagkakataon ding matanong ng taong bayan ang mismong mga kandidato sa nasabing forum.

Ito dahil sa imbitado ang lahat ng mga kandidato mula sa municipal levels, indibiduwal at mga grupo na magmumula sa iba’t-ibang sector ng lipunan.

Ang nasabing aktididad ay pangungunahan ng Notre Dame of Kabacan, Incorporated Community Extension Services at ni K5 President David Don Saure, Jr. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento