Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bakwet dumani sa sagupaan ng militar at BIFM sa Maguindanao


(Maguindanao, April 3, 2013) ---Mas dumami pa ngayon ang mga sibilyan na nagsilikas dahil sa takot na muling sumiklab ang sagupaan sa lalawigan ng Maguindanao.

Matatandaan na dakong 9 kagabi sinalikay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) ang detachment ng militar sa brgy Pagatin,Datu Piang Maguindanao.

Tumagal ng kalahating oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig dahilan ng pagsilikas ng libo-libong mga residente.


Umatras ang mga rebelde ng dumating ang reinforcement ng Ist Mechanized Light Armor Brigade ng Phil.Army.

Walang nasugatan sa mga sundalo maliban lamang sa pagkasira ng isang semba armored carrier habang di matiyak sa mga rebelde.

Ayon kay BIFM Spokesman Abu Misry Mama na hinuli umano ng mga sundalo ang isang binata na nagmo-motorsiklo na walang helmet na anak umano ng kanilang tauhan.

Ngunit hanggang ngayon ay di pa nakauwi ang binata,kaya nagbanta si Mama na kung hindi pakakawalan ng mga sundalo ang anak ng kanilang miembro ay maglulunsad pa sila ng pananalakay sa posisyon ng militar.

Agad namang kumilos si Maguindanao Governor Esmael”Toto”Mangudadatu para matulungan ang mga bakwet.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento