(Carmen, North Cotabato/ April 1, 2013) ---Sugatan
ang 11 mga estudyante ng University of Southern Mindanao o USM makaraang
mahulog sa bangin ang sinasakyang multicab sa Brgy. Kitulaan, Carmen, North
Cotabato alas 12:30 ng tanghali nitong Miyerkules.
Ayon sa report galing umano ng Brgy.
Liliongan ang mga estudyante na scholars ng Partnership for Youth Leadership
Enrichment, Inc. (PYLE) ng magsagawa ang mga ito ng tree planting activity.
Bumaliktad umano sa kurbadang daan ang
nasabing sasakyan na nagresulta ng pagkakasugat ng mga lulan nito na kinilalang
sina: Jayron Masanit, Azam Dimasukal, Jayson Panes, Richard Nadong, Nestor Boon
pawang mga 2nd Year Agriculture; Joylene Cayunda at Sheryl Tauro kapwa
1 BSAB, Albert Ortega at Abdullah Kapusan kapwa 4BSE, Ronelo dele Peña 1AB
English, Jercel Occumen, dating scholar ng Phyle, Bernandita Lamosere Project
Officer ng Pyle at ang asawa nitong nakilalang si Rolly na residente ng Tulunan.
Agad namang dinala ang mga sugatan sa USM
Hospital para mabigyan ng karampatang lunas.
Kahapon, nakalabas na ng ospital ang mga
ito.
Ayon sa report ang nasabing daanan ay
sinasabing “accident prone area” dahil sa marami umano ang nadidisgrasya at
paniniwala ng ilan may engkanto umanong tumitira sa nasabing lugar, ayon sa mga
kumakalat na report. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento