Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Volunteer Marshall; ilalagay ng mga grupo ng raliyesta sa araw ng graduation sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 4, 2013) ---Iginiit ngayon ng kampo ng mga raliyesta na bukas ang USM Main gate para di magambala ang nagpapatuloy na enrollment ng mga mag-aaral ngayong summer. 

                                                                                                                  
Ito ang inihayag ngayong umaga sa DXVL radyo ng Bayan ni Dr. Alimen Sencil, tagapagsalita ng grupo ng raliyesta.    
                                                                               
Sinabi ng spokesperson na balak sana nilang isara ang USM main gate ngayong araw batay sa unang napagkasunduan nila, subalit muling napagdesisyunan ng grupo na palawigin habang hinihintay nila ngayong linggo ang pagdating sana ng fact finding committee.

Samantala, hangad din ng grupo na mapasaya ang graduation rites ng mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao kaya bubuksan din nila muli ang USM Main gate sa araw ng graduation sakaling mapagkasunduan nilang isara ito sa susunod na linggo, ayon kay Dr. Sencil. 
                                                       
Kaugnay nito, maglalagay ng volunteer Marshall ang mga raliyesta sa araw ng graduation na tutulong sa mga security guard, ito para tiyaking walang third party na makakapasok sa isa sa pinaka-importanteng aktibidad sa buhay ng mga estudyante at magulang. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento