(Midsayap, North Cotabato/ April 5, 2013) ---Pinasabugan ng mga di pa
nakilalang mga grupong armado ang isang Paaralan sa bayan ng Midsayap dito sa
lalawigan ng Cotabato alas 11:00 kagabi.
Ayon kay North Cotabato PNP Provincial Director SSupt Danilo Peralta na
pinaputukan ng bala ng m203 grenade launchers ang Kapinpilan Annex High School
sa Brgy Kapinpilan ng nasabing bayan.
Wala namang nasugatan sa pagsabog maliban sa sobrang takot na naramdaman
ng mga residente.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa
pamumuno ni Senior Inspector Henry Narciso sa naturang pangyayari.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento