(Makilala, North Cotabato/April 3, 2013) ---Isasagawa
ng
Katribu, isang organisasyon ng mga Lumad sa North Cotabato ang isang fact-finding
mission kaugnay ng pagkamatay ni Junnie Antac at pagkakasugat ni Roel Igkil sa
Barangay Buhay, Makilala, North Cotabato noong nakaraang buwan.
Ayon
sa Katribu, sadyang pinaslang si Igkil matapos na pumasok ito sa liblib na
bahagi ng Brgy. Buhay para mag hunting.
Itinuturo
ng Katribu ang 57th IB ng Phil. Army na siyang bumaril sa
dalawang biktima.
Una
nang sinabi ni Lt. Nasrullah Sema na legitimate ang operasyon ng military sa
Brgy. Buhay kung saan kasama raw ang dalawa sa mga nakasagupa ng 57th IB.
Layon
ng Katribu na agad makakuha ng karagdagang ebidensiya para magamit sa umano’y
reklamong isasampa laban sa army.
Samantala,
bago lamang ay kinumpirma ng Bantay Bukid group sa Makilala na miyembro nila
ang mga biktimang sina Igkil at Antac. (JS)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento