Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Main gate, muling binuksan ng mga raliyesta kahapon ng hapon


(USM, Kabacan, North Cpotabato/ April 2, 2013) ---Para bigyang daan ang recognition day ng University Laboratory School ngayong araw, napagdesisyunan kahapon ng hapon ng Federation of Organization to Oust Derije  o FOOD ang muling pagbubukas sa USM Main gate alas 4:30 ng hapon kahapon.

Ito ayon kay Mr. William dela Torre, isa sa mga tumatayong lider ng mga nag-rarally sa University of Southern Mindanao.

Sa panayam ng DXVL News sinabi nito na ang pagbubukas ng gate ay para bigyan ng daan hindi lamang ang recognition day ng University Laboratory School o ULS ngayong araw at ang graduation ng mga ito bukas.

Balik sigla naman ngayon ang kalakaran sa USM Main gate kungsaan malayang makapasok ang mga magulang at mga estudyanteng dadalo sa nasabing academic activities ng mga estudyante.

Pero sa kabila nito, muli namang isasara ng mga raliyesta ang USM main gate sa April 4 hanggang sa April 10.

Habang bubuksan naman ito sa April 11-13 para bigyang daan ang cluster distribution of diplomas sa mga graduating students habang bukas pa rin ito hanggang sa April 12 para sa rehersal at tuloy-tuloy na bukas ang Main gate ng USM main campus sa April 13 para sa graduation rites ng mga gagraduate ng batch 2013.

Nagkaroon muna ng seremonya alas 4:30 sa Main gate bago ito binuksan, ayon kay dela Torre.

Samantala, una na ring sinabi ni USM Director for Instruction Dr. Lorna Valdez na simula na kahapon ang enrollment sa USM para sa summer class ngayong taon na ito ay gagawin sa bawat kolehiyo. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento