(Amas,
Kidapawan City/ April 2, 2013) ---Libu-libong mga fingerlings ang ipinamahagi
sa mga fisherfolks sa lalawigan ng North cotabato sa unang quarter ng taong
kasalukuyan.
Ayon kay
Fisheries Chief Division Magdalena Gasang ang fingerlings dispersal ay
isinagawa sa kanilang tanggapan na nasa Capitol compound, Amas, Kidapawan City.
Sinabi ng
opisyal na bahagi ng Aquaculture Support Services ng tanggapan ang isinagawang
programa.
Nabatid na
may kabuuang 261,000 tilapia fingerlings ang naipamahagi sa 318 fishpond
operators, samantalang 50,000 hito fingerlings naman ang naipamahagi sa 100
fishpond operators at 36,000 naman na bangus fingerlings ang naipamigay sa 60
fishpond operators.
Batay sa
report ni OPA Correspondent Ruel Villanueva, nagmula pa sa mga bayan ng
Antipas, Kidapwan City, Libungan, Magpet, Makilala, Mlang, Pigcawayan, Alamada,
Arakan, Tulunan, Matalam, Midsayap, Aleosan at Pikit ang mga recipients ng
fingerlings.
Layunin ng
fingerling dispersal na ito na mapagkalooban ng initial fish stocks ang ating
mga fisherfolks upang ma-sustain ang productivity ng mga fishpond projects sa
bawat bayan at makamtan ang layuning kasapatan sa pangangailangan ng fish
protein ng mga komunidad sa kanayunan.
Magdudulot
din naman ito ng dagdag na kita para sa mga mangingisda o fishpond operators
dito sa lalawigan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento