Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Negosyante, pinagbabaril patay sa loob ng “Peryahan” sa bayan ng Tulunan



(Tulunan, North Cotabato/ April 1, 2013) ---Patay ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang armadong riding in tandem sa loob ng peryahan’  sa bayan ng Tulunan, Cotabato, pasado alas 12 kaninang madaling araw.

Kinilala ni Senior Inspector Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Marcial Ylanan may ari ng isang negosyo sa loob ng nasabing peryahan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat abalang-abala umano ang biktima sa pag-aasikaso sa kanyangmga customer ng bigla itong pinagbabaril ng isa sa mga riding in tandem.

Matapos mabatid na patay na ang target, agad namang tinangay ng mga suspek ang cash ng biktima at mabilis na tumakas sa direksoyong papuntang bayan ng Mlang.

Agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan pero ilang sandal lamang ay binawian na rin ito ng buhay.

Dalawang anggulo ngayon ang sinusundang motibo ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ito na ang ikalawang shooting incidents na nangyari sa bayan simula buwan ng Marso.

Nahirapan ding sundan ng mga tanod ang suspek dahil wala silang baril, ito dahil sa ipinapatupad na election gun ban. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento