Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PPALMA One Rice Mill Association, isinusulong sa North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/ April 3, 2013) ---Nagsagawa ng inisyal na hakbang ang Project Management Office ng PALMA-PB Alliance of Municipalities kaugnay ng iminumungkahing solusyon sa krisis ng kuryente.

Sinabi ni PALMA-PB Project Manager Orly Maraingan na may ginawa na silang ‘mapping’ ng malalaki at maliliit na rice millers sa buong distrito.


Dagdag ni Maraingan, layunin umano ng PPALMA Alliance na magkaroon ng isang lihitimong asosasyon ng mga rice millers sa North Cotabato first district.

Inaasahan na sa pamamagitan ng itatatag na rice millers’ association ay magkakaroon ng ‘stable source o supplier’ ng organic agricultural wastes na siyang magpapatakbo sa itatayong biomass power plant.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nakararanas ng abot sa walong oras na power interruption ang distrito uno.

Samantala, sinabi ni Rep. Jesus Sacdalan na ang suhestiyong magtayo ng isang biomass energy plant sa distrito ay isa lamang ‘immediate solution’ sa power crisis.

Matatandaang una nang iminungkahi ng opisyal na ang ‘long-term solution’ sa krisis sa kuryente sa distrito ay ang magkaroon ng sariling hydropower plant na itatayo sa bayan ng Alamada.

Kaugnay nito ay may investor nang handing mamuhunan para sa planong magtayo ng biomass power plant sa PPALMA.

Ang mga bayan ng Pikit, Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap at Aleosan ang siyang bumubuo ng PPALMA Alliance. (Roderick Bautista)

1 komento:

  1. Sir/Madan
    We are willing to put up a 12MW rice hush boiler powerplant in your area,we wish to have time for us to discuss this matter in person

    TumugonBurahin