(Arakan, North Cotabato/ April 4, 2013) ---Abot
sa higit sa dalawang libung mga mag-aaral ng grade 5 buhat sa iba’t-ibang mga
elementary sa Arakan ang inaasahang sasailalim sa tatlong araw na Summer Kids
Peace Camp na magsisimula ngayong araw.
Layunin ng programang ito na maturuan ang
mga kabataan tungkol sa kapayapaan at respeto sa bawat isa.
Magiging bisita sa pagbubukas ng programa si
cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza.
Isasailalim ang mga kabataan sa leadership
skills training, pagtuturo sa kanila ng pangunang lunas at survival techniques.
Bukod dito, naniniwala ang mga organizer ng
kids camp na ang naturang mga practical skills training ay magbibigay ng dagdag na kaalaman para harapin ang buhay. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento