(OPA, Amas, Kidapawan City/ April 1, 2013) ---Kamakailan
ay pinarangalan ang limang kawani ng Office of the Provincial Agriculturist
bilang mga Outstanding Agricultural Extension Workers sa Philippine
International Convention Center sa Pasay City.
Mismong si Secretary Proceso J. Alcala ang nag-abot ng
parangal kina Provincial Agriculturist Engr. Eliseo M. Mangliwan, Dr. Sustines
Balanag, Dr. Lucita Daval, Ms. Judy Gomez at Mr. Allan Coronado. Ang parangal
na ito ay bahagi ng Agri-Pinoy Rice Achiever’s Award, ito ayon sa report ni OPA
Correspondent Ruel Villanueva.
Nagbibigay ng ganitong parangal ang Department of
Agriculture sa mga Agricultural Extension Workers para sa kanilang natatanging
kontribusyon sa larangan ng agrikultura na kaugnay sa pagkamit ng layuning
maging staple food self-sufficient ang lalawigan at ang ating bansa sa kabuuan.
Ito ay naaayon din sa mithiin ni Secretary Alcala na “no more rice importation”
sa susunod pang mga taon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento