(Kabacan, Cotabato/ April 1, 2013) ---Sinabi
ngayon sa DXVL Radyo ng Bayan ni
Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na naging matiwasay sa kabuuan ang
pagdiriwang ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan.
Aniya simula Huwebes santo hanggang sa Pasko
ng pagkabuhay kahapon ay naging mapayapa at tahimik ang bayan.
Sa kabila nito, tuloy naman ang ginagawang
pagbabantay ng mga pulisya sa mga matataong lugar ng Kabacan partikular na sa
terminal kungsaan muling bubuhos ang mga pasahero, nitong holy week binantayan
din nila ang mga simbahan, merkado at mga pangunahing kalye ng bayan.
Kaugnay nito, hinikaya’t naman ng opisyal
ang mamamayan ng kooperasyon sa pulisya na magreport kung may mga
kahina-hinalang bagay o taong mapapansin.
Bukod pa sa pagtulong na mabawasan ang mga
insedente ng bayan.
Samantala nilinaw din nito, na hindi nakuha
ang higit sa P400,000 na pera mula sa opisina ng Land Transportation Office o
LTO Kabacan district na nasa brgy. Kayaga na ni-ransak nitong nakaraang linggo.
Aniya, P80.00 lamang ang natangay ng mga
suspek dahil sa di nila nabukasn ang secondary layer ng vault. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento