(Midsayap,
North Cotabato/ March 26, 2013) ---Naglatag ng solusyon kahapon sa isinagawang
Power Crisis Forum ang isang pribadong organisasyon kaugnay ng nararanasang
power crisis ngayon sa Mindanao partikular sa distrito uno ng North Cotabato.
Sa
pamamagitan umano ng ‘waste to energy’ technology ay makakapag- generate ng
karagdagang suplay ng kuryente gamit lamang ang mga organic agricultural waste.
Ayon
kay Atty. Gao Pronove ng Eco Marketing Solutions, iipunin ang mga rice husk,
rice stalk at iba pang organic agricultural waste upang paandarin ang malaking
gasifier na siya namang mag- gegenerate ng dagdag na supply ng enerhiya.
Hiniling
din ni Atty. Pronove sa mga may-ari ng malalaki at maliliit na rice mills sa
PPALMA area na mamuhunan sa pagpapatayo ng nasabing renewable energy power
plant.
Ayon
sa plano, ang mga rice millers ang siya ring pangunahing mag-susuplay ng mga
organic agriculture waste sa itatayong planta.
Kung
matutukoy na ang mga investors na mamumuhunan at ma-aprubahan ang karampatang
mga dokumento ay maitatayo ang isang biomass plant sa loob lamang ng anim na
buwan.
Pinangunahan
ni Cong. Jesus Sacdalan ang nabanggit na forum na ginanap sa Kapayapaan Hall
dito sa bayan kasama ang mga kinatawan ng rice millers, Cotabato Electric
Cooperative, at mga alkalde ng PPALMA Alliance of Municipalities.
Ang
PPALMA sa unang distrito ay binubuo ng mga bayan ng Pigcawayan, Pikit, Alamada,
Libungan, Midsayap at Aleosan. (RRBautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento