Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbabantay sa Peace and Order sa Kabacan; mas pinaigting sa nalalapit na kampanya; security measures sa kwaresma; inilatag rin



(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2013) ---Nagpadala ng karagdagang pulis personnel ang Regional Public safety battalion buhat sa Regional Police Office 12 para sa bayan ng Kabacan na tututok sa mga anti-criminality sa bayan.
Ito makaraang hiniling ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP kay Regional Director PC/Supt. Charles Calima ang dagdag na augmentation ng pulisya sa bayan dahil sa mga kriminalidad.

Kaugnay nito, nasilipan kasi ng opisyal na dapat ay higit sa 80 personnel ang ilalagay na pulisya sa Kabacan dahil ang bayan ay 1st class municipality, pero ang pwersa ng PNP Kabacan di umabot sa 50 personnel.

Kaya sa kabila ng mas mahigpit na pagbabantay ng mga ito, tuloy nalulusutan pa rin ng mga kriminal ang mga otoridad ng bayan.

Iginiit kasi ng opisyal na dapat ay 1 pulis sa isang libung mamamayan, pero sa Kabacan 1 pulis katumbas sa higit sa dalawang libung mga residente.

Kaugnay nito, paiigtingin din nila ang kanilang pagbabantay sa nalalapit na kampanya ng mga local na kandidato para tiyaking maayos, payapa at tahimik ang mga gagawing kampanya.

Samantala, inilatag na rin nila ang mga security measures para sa pagdausan ng mga aktibidad ngayong kwaresma lalo na sa dadaanan ng prusisyon.

Titiyakin din nila ang seguridad sa mga simbahan at ilan pang mga matataong lugar ngayong holy week. (Rhoderick Beñez)
  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento