(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2013)
---Itinalaga bilang ambassadress for Peace ng Kabacan si dating Mayor
Luzviminda Tan bilang katuwang ng alkalde ng bayan na tututok sa pangunahing
problema na kinakaharap ng bayan ang Peace and Order.
Ito makaraang inin-voke ang dating posisyon
ng unang ginang.
Sa nasabing Municipal Peace and Order Meeting
kahapon, bumuo ang council ng oversight committee bilang tugon rin ng
pamahalaang lokal ng Kabacan sa nangyaring gusot sa University of Southern
Mindanao.
Ito makaraang nababahala na rin ang dating
alkalde sa sitwasyon ng unibersidad.
Sa kanyang mensahe kahapon, tinukoy pa nito
na maging siya ay nahihirapan ding iproseso ang kanyang dissertation sa kanyang
doctoral degree dahil sa hindi rin siya pinapapasok sa USM.
Bukod dito, maging ang kanyang anak na
maghahatid lang sana ng pagkain sa kanilang lola na nagpapagamot sa USM
Hospital ay pinalakad din.
Ayon sa unang ginang, ang sa kanya lang ay
ma-i-balik sa normal ang sitwasyon ng unibersidad at iginiit nitong wala siyang
kinakampihan maging grupo ng mga raliyesta o sa kampo ng administrasyon.
Malaki kasi ang epekto nito sa economic
activity ng bayan dahil sa nangyaring gusot sa USM.
Tinukoy nito na lubhang naapektuhan ang kita
ng mga tricycle drivers, mga nagtitinda sa palengke, mga carenderia sa paligid
ng USM.
Malaki din umano ang ibinagsak ng kita ng
mga cash remittances at ilan pang mga negosyo sa bayan.
Sinabi pa nito na maging ang ibubuhos sanang
P17M na pera para sa research ng USM ay napigilan din dahil sa nasabing
kaguluhan, ayon sa dating alkalde. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento