Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga nagawa ni Gov. Lala sa loob ng tatlong taon; ibibida sa kanyang SOPA ngayong umaga



(Amas, Kidapawan City/ March 26, 2013) ---Kasado na ang mga programa para sa State of the Province Address o SOPA ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza na gagawin sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan city alas 9:30 ngayong umaga.

Ihahayag ng gobernador ang kanyang mga nagawa sa loob ng tatlong taong panunungkulan sa probinsiya sa loob ng siyamnapung minutong SOPA, bilang ulat nito sa bayan.

Bibigyang diin nito ang 5 Major Areas of Governance na tinutukan nito at mga ipinangako nito sa loob ng 100 araw na paninilbihan sa mga Cotabatenos.

Tutukuyin nito ang kanyang nagawa sa Infrastructure development; Economic Development; Environmental and agricultural Development; Socio-cultural Development at Development Administration and finance.

Bago ang SOPA, may gagawin munang thanksgiving mass alas 8:00 ngayong umaga sa Rooftop ng Provincial Capitol Building.

Kaugnay nito, naka-alerto naman ang Cotabato Provincial police Office para tiyakin ang seguridad sa nasabing kaganapan kung saan may mga ipinakakalat ng mga elemento ng pulisya at militar sa Capitol compound.

Mapapakinggan naman live dito sa DXVL Radyo ng Bayan ang SOPA ng gobernador kungsaan, ihahatid sa mga tagapakinig nito ang blow by blow na mensahe ng gobernador sa nasabing SOPA. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento