(Kabacan,
North Cotabato/June 4, 2012) ---Babatiin ng matinding pagkilos ng mga militante
at progresibong grupo ang pagbubukas ng
klase ngayong linggo upang kalampagin ang administrasyong Aquino at ang
Commision on Higher Education o CHED na maging determinado at maagap sa
pagtutok sa lumalalang kalagayan ng sistema ng edukasyon sa bansa.
Naniniwala
ang Kabataan partylist-North Cotabato na ang kahirapan sa pagbubukas ng klase
ngayong taon na direktang apektado ang mga kabataan at estudyante ay larawan ng
isang pagiging inutil at pagsawalang kibo ng pangulo sa tumitinding kalagayan
at estado ng edukasyon; patunay lamang diumano ito sa katagang “noynoying” na
likha ng mga progresibong grupo upang isalarawan ang pagiging inutil nito sa
pagsagot sa kahirapan ng bansa.
DXVL Staff
...
Pagbubukas ng klase, babatiin ng matinding pagkilos
Linggo, Hunyo 03, 2012
No comments
Binatikos
rin ng grupo ang CHED sa pagpayag nito sa mahigit 300 na mga pribadong paaralan
na magtaas ng matrikula sa susunod na taon, hindi pa kasama rito ang iba pang
bayarin sa eskwelahan na hindi kabilang at kontrolado ng batayang regularidad
ng gubyerno.
Kinondena
rin ng grupo ang Department of Budget and Management (DBM) sa usaping pagpapako
nito sa mga pondong ilalaaan sa edukasyon, kalusugan at iba pang mga serbisyong
panlipunan samantalang napakalayo nito sa mga pondong inilaan nito sa
pambansang depensa at militar.
Kaugnay
nito, ang mga progresibo at militanteng grupo mula sa North Cotabato, Cotabato
City, Kidapawan City at Davao City ay maglulunsad din ng pagkilos ngayong
darating na ika-11 buwan, upang irehistro ang pag-aalsa at pagtutol nito sa
lumalalang kalagayan ng edukasyon.
Bibitbitin
rin ng grupo ang mga panawagan laban sa pagsasapribado ng enerhiya, tubig at
iba pang mga estratehikong serbisyong panlipunan sa bansa at sa agarang
pagbasura sa di-makataong batas na EPIRA.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento