Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dalawa sugatan sa salpukan ng mga motorsiklo sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Kapwa tumilapon sa kani-kanilang minamanenehong motorsiklo ang dalawang lalaki matapos magsalpukan sila sa gitna ng highway sa Barangay Poblacion sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, alas-730 ng umaga, kamakalawa.

         
Sugatan sa salpukan sina Sgt. Roni Pancho ng 57th Infantry Battalion ng Army, at Ronilo Selda, 44, na residente ng Barangay Sibsib, Tulunan.
Ayon sa motoristang si Selda, binabaybay niya ang highway patungo ng Poblacion sa Tulunan at tatawid na sana siya sa intersection nang biglang salpukin siya ng motorsiklo ni Sgt. Pancho.
         
Dahil sa bilis ng mga pangyayari, ‘di na nagawang umiwas ni Selda at maging siya tumilapon na rin sa kalsada.    Natapon rin sa kabilang daan ang sundalong si Pancho, ayon sa report.
         
Kapwa isinugod sa Kidapawan Medical Specialist Center sa Kidapawan City ang mga sugatan para lapatan ng lunas.
         
Si Selda nagtamo ng sugat sa ulo, kamay, at paa.
Pero ang sundalong si Pancho nananatili sa intensive care unit dahil sa matinding sugat sa ulo.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento