(Kabacan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Kasabay
ng pagbubukas ng klase ngayong araw, ilulunsad rin ng Kabacan PNP ang Bantay
Eskwela para tiyaking maayos ang pagbabalik eskwela ng libu-libong mag-aaral
dito sa bayan ng Kabacan.
May ilalagay na mesa ang mga otoridad sa
harap ng Kabacan Pilot Elementary School para sa mga reklamo at sumbong ng mga
mag-aaral sa pagsisimula ng klase ngayong araw.
Aabot sa mahigit sa dalawang libung mag-aaral ang balik eskwela sa Kabacan Pilot elementary School ngayong araw, ayon kay Kabacan Pilot Elementary School Principal Annie Roliga.
Samantala, uunahin namang bisitahin ngayong araw ng DepEd
Regional Office 12 ang Kabacan National High School para sa kanilang
monitoring.
Ito ayon kay Kabacan National High School Principal Irene
Arconado kungsaan abot naman sa 1,108 ang kabuuang enrolment ng nasabing
paaralan ngayong SY 2012-2013.
Sa University of Southern Mindanao naman, kasado na rin ang
mga security measures na inihanda ng USM Security Services and Management na
pinamumunuan ni Director Orlando Forro kungsaan aasahan na rin ang libu-libung
mag-aaral na dadagsa sa pamantasan sa unang pagbubukas ng klase ngayong araw.
Kaugnay nito, inihayag din ng opisyal ang kanilang USM
Security Hotline para sakaling may mga insedente o anumang problema ay agad na
maireport sa kanilang tanggapan.
Ang USM Security Hotline na maari ninyung itext ay:
0908-8741-684.
Samantala, abot sa 15,311 ang officially enrolled na mga
estudyante ng USM, , 11,311 ang mula dito sa USM main campus, 2,800 ang mula sa
USM KCC, 200 mula sa Buluan, 500 ang ULS at 500 naman ang mula sa ILS. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento