(USM, Kabacan, North Cotabato/June 9, 2012)
---Nilinaw ngayon ni Dr. Lourdes Taylo, Ph. D in Entomologist ng Institute of
Plant Breeding mula sa University of the Philippines Los Baños Laguna na hindi
nakakasama ang BT Talong o Bacillus thuringiensis sa kalusugan ng taong kakain
nito.
BT Talong at USM Field Trial |
Dr. Lourdes Taylo, Ph. D. Entomologist |
Ginawa ni Dr. Taylo ang pahayag matapos na
magpalabas ng writ of kalikasan ang supreme court laban sa commercial
production ng kontrobersiyal na BT Talong na kilala rin bilang genetically
modified eggplants.
Ito makaraang hilingin ng grupong Greenpeace
sa korte na desisyunan ang naturang usapin na posibleng panganib sa kalusugan
ng ginagawang field trials para sa BT Talong.
Pero ayon kay Taylo, wala umanong karapatan
ang nasabing grupo na bumunot o sirain ang mga field trials dahil wala pa
namang inilabas na desisyon ang korte suprema hinggil dito.
Sa kabila nito, giit kasi ng grupong
greenpeace na dapat ay gawin ang trial sa laboratoryo at hindi sa open fields
dahil nakakasama umano sa kalusugan.
Sagot naman ni Dr. Taylo na di ma-e-evaluate
ang performance ng halaman kung matatag o may resistensiya sa insekto kung
ilalagay umano sa loob ng laboratorya, na siya namang iginigiit ng mga grupong anti-BT.
Kaugnay nito, ngayong araw ang ika-siyam na
harvest na ng BT Talong sa USM Field trial na nasa USMARC malapit sa Philippine
Carabao Center na may 6,000 square meters ang area na pinagtamanan, ito ayon
kay Co-project leader/entomological aspect Dr. Concepcion Bravo ng Dept. of
entomology mula sa College of Agriculture ng USM.
Kahapon isinagawa ng study visit sa erya upang alamin ang mga magagandang maidulot ng BT talong lalo na sa mass production ng Talong sa Pilipinas.
USM BT Talong BPI Bio Safety Permit |
Nanguna sa pagbisita si Board Member Vicente
Suropia Jr. ang Committee chair in agriculture ng Sangguniang Panlalawigan,
Kabacan Vice Mayor Pol Dulay, SB chair on Agriculture Jonathan Tabara, ilang
mga imbitadong bisita mula sa UPLB, Vice President for Research and Extension
Dr. Emma Sales at iba pa.
Nabatid na ang Talong na may scientific name
na Solanum Melongena L. ay isang uri ng gulay na pinahahalagahan sa buong mundo.
Ang bunga ay maaring hugis itlog, pahaba o bilog at ito ay mabuting
pinanggagalingan ng bitamina, ‘fibers’ at mineral. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento