Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Election Protest na isinampa kontra Gov. Lala, ibinasura ng Comelec

(Kidapawan City/June 11, 2012) ---Tuluyan ng ibinasura ng Commission on Elections o Comelec 1st division ang kasong isinampa ni dating Vice Governor Emmanuel Pinol laban kay Cotabato Governor Emmylou Lala Talino Mendoza.

Sinasabing nadismiss ang election protest na isinampa ni Pinol kontra Mendoza dahil sa lack of merit, batay sa 14 na pahinang inisyu ng Comelec nitong ika-7 ng Hunyo, 2012.
Mahigit dalawang taon, matapos na desisyunan ng comelec ang nasabing kaso na isinampa ng dating opisyal dahil diumano sa nangyaring malawakang dayaan, electronic fraud, vote-padding, vote buying at harassment na kagagawan umano ng gobernador.  

Lumabas sa pagbusisi ng comelec na bigong mapatunayan ng kampo ni Pinol ang mga alegasyong ipinupukol nito matapos ang isinagawang physical count ng comelec sa 20% na protested clustered precincts na walang nangyaring dayaan o iregularidad sa resulta ng bilangan batay sa revision o recount mula sa 56 precincts.
Naniniwala ang incumbent opisyal na naging malinis at credible ang nangyaring halalan sa North Cotabato, kungsaan ayon kay Mendoza ay siya mismo ang iniluklok ang mga mamamayan ng Cotabato.
Ginawa ng opisyal ang pahayag, apat na araw matapos inilabas ng comelec 1st division ang order sa harap ng mga mamamahayag sa Kidapawan city kahapon, upang tuldukan ang mga kumakalat na balita na uupo bilang gobernador ng North Cotabato ang katunggali nito sa gobernaturial race noong 2010 elections. (Rhoderick Benez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento