Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sako-sakong mga nakaw na agri-farm products na planu sanang ipuslit; nasabat sa bayan ng Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/June 11, 2012) ---Nasabat ng patrol team ng Carmen PNP ang mga sako-sakong agri farm products na sakay sa isang tricycle sa Brgy. Poblacion, Carmen, North Cotabato alas 2:00 ng hapon nitong Sabado.


Batay sa report ng Carmen PNP sa pamumuno ni P/Chief Inps. Jordine Maribojo nabatid sa inisyal na pagsisiyasat lulan ng nasabing kulay pula na Bajaj tricycle na may plate number MX 1379 ang apat na sako ng mais na ninakaw umano ng driver na nakilalang si Ronie Isongga, 27 at ang kasama nitong nakilalang si Bernardo Sibonga, 25 kapwa residente ng brgy. Ugalingan ng nabanggit na bayan.

Planu sanang ipuslit ng dalawa ang nasabing sako ng mais at ilan pang mga farm products mula sa pinagtrabahuan nilang CLS Agritrade Store ng masabat ng mga otoridad sa highway.

Mismong ang may ari na si Hector Simplicio, nasa tamang edad ang mismong nagturo sa mga suspek na responsable sa nasabing pagnanaakaw.

Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas bakal ang dalawa habang inihahanda na ang kaukulang kasong kakaharapin ng dalawa. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento