Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MSWDO Kabacan, nababahala na hinggil sa paggamit ng mga bata sa pagtutulak ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/June 13, 2012) ---Patuloy ang pagtutok ngayon ng MSWDO Kabacan sa kaso ng dalawang bata na diumano’y ginagamit ng notorious drug courier sa pagtutulak ng illegal na droga, partikular na ang shabu.


Ayon kay MSWD Officer Susan Macalipat, patuloy ngayon ang ginagawa nilang adbokasiya partikular na sa mga bata hinggil sa masamang maidudulot ng illegal na droga sa tao.

Aniya, puspusan naman umano ang pakikibaka ng PNP Kabacan at LGU kontra sa seryosong problema ng Kabacan sa droga.

Kung matatandaan, dalawang bata ang inireport sa pulisya nitong linggo matapos na magbenta ng shabu na ayon kay Supt. Raul Supiter ay inutusan umano sila ng kanilang magulang na ibenta ang nasabing shabu sa isang customer.

Aminado naman ang opisyal na seryosong problema pa rin ng Kabacan ang illegal na droga na di pa rin natutuldukan.

Kaya hamon ngayon ng ilan sa mga lokal na opisyal ng bayan na aksyunan ang ugat ng sinasabing krimen sa Kabacan. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento