Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SOCCSKARGEN Region, naiuwi ang Red Orchid Award para sa DOH Center for health development sa ikatlong pagkakataon

(Cotabato city/June 13, 2012) ---Sa ikatlong pagkakataon, naiuwi  ng SOCCSKARGEN Region ang Red Orchid Award ng DOH Center for health development na siyang nagtakda sa rehiyon na mapabilang sa hall of fame ng Department of Health.


Ang Red Orchid Awards ay ang paghahanap ng mga 100 % tobacco free centers dito sa bansa.
Ito ay alinsunod sa World Health Organization (WHO) Framework Convention on Tobacco Control na nagrerekomenda sa sa pagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa eksposyor ng mga pampublikong lugar sa sigarilyo. Ito rin ay batay sa Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003.

Naiuwi din ng Region 12 ang ilan pang mga awards sa mga kategoryang Government Hospital- Red Orchids Award sa ikalawang pagkakataon para sa Cotabato Regional and Medical Center. 

Local Government Unit- Red Orchid Award para sa mga bayan ng Alamada, North Cotabato, Esperanza, Sultan Kudarat, Tantangan South Cotabato at Tupi, South Cotabato. Nakakuha din ang Kidapawan City LGU ng Pink Orchid Award sa nabanggit na kategorya. Naiuwi naman ng 68th IB Kaagapay 2ID PA (AFP) ang Red Orchid Award sa unang pagkakataon sa kategorya ng Government Office.

Layun ng nabanggit na pag-gagawad na maging smoke free ang lahat ng lugar dito sa bansa at seryosong maimplenta ang mga batas at polisiya laban sa pagagmit ng tobacco lalo na sa mga pampublikong lugar. (Brex Bryan Nicolas)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento