Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Principal, sugatan matapos pagbabarilin sa Kabacan; kagabi

(Kabacan, North Cotabato/June 12, 2012) ---Sugatan ang isang punong guro ng tunggol elementary school ng barilin ng di pa nakilalang mga salarin gamit ang di pa matukoy na uri ng armas alas 7:00 kagabi habang bumibiyahe galing ng national highway papasok ng aglipay st., Poblacion, Kabacan.

 Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Abunawas Genso, 48 taong gulang, principal ng nasabing paaralan kungsaan nagtamo ng sugat ang biktima sa kanang dibdib nito na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical specialist.

Kasama ng biktima ang Misis nito ng mangyari ang insedente.

Agad namang ikinasa ng Kabacan PNP ang dragnet operation para sa posibleng ikadarakip ng suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para ma-establish ang totoong motibo ng panibagong pamamaril.

Ito na ang ikatlong kaso ng pamamaril sa bayan ng Kabacan.

Ang una ang isang negosyante na nakilalang si Evelyn diaz na pinagbabaril noong June 7 sa loob mismo ng Kabacan Public Market habang noong June 8 ay pinagbabaril din ang kusinero ng Kabacan PNP na nakilalang si  Rodolfo Layagan, Jr. 41 taong gulang at residente ng nabanggit na bayan.

Sa tatlong shooting incident na nangyari sa Kabacan, blanko pa rin ang mga otoridad kung sino ang mga suspek. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento