Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Fort Pikit sa Pikit, N Cotabato isa nang ‘national historical landmark’ ng bansa

(Pikit, North Cotabato/June 12, 2012) ---Itinuturing na’ng National Historical Landmark ang Fort Pikit sa bayan ng Pikit, North Cotabato.


Ito ang kauna-unahang historical landmark sa probinsiya sa buong rehiyon ng Southwest Mindanao.

Ayon kay Cotabato Governor Lala Mendoza, higit isang taon din ang ginugol nila upang gawin ang research at documentation sa kasaysayan ng Fort Pikit.

Isang technical working group ang binuo ni Mendoza para gawin ang research, katuwang ang Pikit municipal LGU.


Kaugnay nito, sasailalim ng pagsasaayos ang Fort Pikit.

Popondohan ito ng provincial government.

At itataon ang pagbubukas nito sa ika-100 taon ng pagkakatatag ng lalawigan ng North Cotabato ngayong September 1, 2014.

Nito’ng buwan lamang ng Marso, isang delegasyon mula sa National Historical Commission ng national government ang nagtungo sa bayan ng Pikit upang gawin ang ground validation at pag-iimbestiga sa historical facts, at site visit na rin sa erya.

Kasama sa site visit ang technical working group na binuo ng provincial LGU.

Ang Fort Pikit ay itinayo noon pang 1893 bilang kuta ng mga sundalo’ng Pinoy noon panahon ng pananakop ng Espanya.

Ginamit din ito’ng kuta noong panahon ng pananakop ng Amerika.

At ang pinakahuli na gumamit dito bilang kuta nila ang mga Hapones nang lusubin nila ang Pilipinas.(MCM)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento