(Kabacan, Cotabato/June 14, 2012)
---Dead on Arrival sa Kabacan Medical Specialist ang municipal planning and
development officer (MPDO) ng bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng
Maguindanao nang barilin ng di kilalang mga suspect sa national highway ng
Kabacan, North Cotabato, alas 4:30 ng hapon, kahapon.
Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe
ng Kabacan PNP, ang biktima na si Engineer Ronald Bantiding, 39, ang MPDO ng Montawal
LGU at residente ng Barangay Banawag, Kabacan.
Sa may tagiliran naman ang tinamong
sugat ng municipal environment officer ng Montawal LGU na kinilalang si Nestor
Salama na residente ng Poblacion, Datu Montawal, nang barilin ng mga suspect
habang matinding tinamaan naman sa ulo si Bantiding na naging dahilan ng agara nitong kamatayan, ayon sa report.
Ayon kay Datu Uttoh Montawal, mayor
ng Montawal, Maguindanao, pauwi na ng bayan ng Kabacan ang mga biktima, sakay
ng Honda XR 200, nang tabihan ng mga suspect na umano sakay din ng motorsiklo.
Nang makarating sa may Barangay
Malabuaya, di lamang kalayuan sa detachment ng 7th Infantry
Battalion, ay bigla sila’ng pinagbabaril, gamit ang caliber 45 pistol.
Patay noon din si Bantiding habang
isinugod sa Kidapawan Medical Specialist Center sa Kidapawan City si Salama.
Nakaganti pa raw si Salama ng putok
pero di niya tiyak kung may tinamaan siya sa mga suspect.
Agad na ipinasok sa operating room
ng ospital si Salama dahil sa sugat sa tagiliran.
Na-recover nina Supiter at ng mga
tauhan ng 7th IB ng Army ang siyam na basyo ng bala mula sa pistola
na umano ginamit ng mga suspect para patahimikin ang kanilang mga target.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng
Kabacan PNP sa kaso.
Isa sa mga anggulong tinitingnan
nila sa nasabing pamamaril ay ang kaugnayan sa trabaho ng mga biktima.
Ayon kay Mayor Montawal, isang
malaking kawalan sa bayan ng Montawal ang kamatayan ni Engr. Bantiding. (Rhoderick
Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento