(USM, Kabacan, North Cotabato) ---Isinusulong
ngayon ng ginagawang pananaliksik ng apat na mga malalaking state universities
sa Mindanao ang responsableng pagmimina na sumasakop sa tatlong Rehiyon sa
Mindanao na kinabibilangan ng Region X, XII at Caraga.
Ayon sa report ang natukoy na mga rehiyon ay
may malaking potensiyal na mapagkukunan ng ginto.
Bagama’t di pa pinal ang nasabing proposal,
nabatid mula kay Co-Project leader Prof. Estrella Dela Cruz, chairperson ng
Chemistry Dept., USM na malaki ang maimbag ng kanilang pananaliksik hinggil sa
tamang proseso sa pagkuha ng ginto ng mga small scale miners upang di masira
ang kalikasan.
Target ng nasabing research ang mining area
na nasa bayan ng Kimatu, T’boli sa lalawigan ng South Cotabato at Kinayao,
Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Sinabi ni Dela Cruz na may apat na proseso
ang kasalukuyang pagmimina ng gold ng mga small scale miner sa Mindanao
kungsaan ang pinaka-delikado dito ay ang concentration na ginagamitan ng
mercury at cyanide na mapanganib sa kalusugan ng tao at kapaligiran.
Kabilang sa mga apat na paaralan na
nakatutok sa nasabing research ay ang University of Southern Mindanao na may
Project Title: Contamination Pathway and Pollution Management of Artisanal and
small-scale gold mining in selected areas in Mindanao, Philippines.
Samantala, Co-project leader naman mula sa
College of Agriculture, USM si Prof. Rhodora Manceras sa sub-project na may
pamagat na: rehabilitation of Mercury Contaminated gold mining sites in T’boli, south Cotabato and Bagumbayan, Sultan
Kudarat katuwang ang Mindanao University of Science and Technology, Caraga
state University at MSU-IIT. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento