Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binatilyo , patay sa panibagong shooting incident sa Kabacan, kagabi

(Kabacan, North Cotabato/June 15, 2012) ---Patay on the spot ang isang 21-anyos na tricycle driver makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin sa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato partikular sa overpass na nasa National Highway alas 9:36 kagabi.


Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Jimmy Alay, tricycle driver at residente ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga ng bayang ito.

Sakay umano ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo na may plate no. na 9092 XF ng patumbahain ng di pa nakilalang suspek gamit ang .45 na pistol batay sa mga empty shells at slug na narekober sa crime scene.

Patay noon din si Alay makaraang tinamaan sa ulo.

Agad namang dinala ang biktima sa kanilang bahay sa Malabuaya ng kanyang mga sumaklolong kamag-anak habang dinala naman sa himpilan ng pulisya ang minamaneho nitong motorsiklo.

Ito na ang ika-limang shooting incident na naganap sa loob ng dalawang linggo ngayong buwang ito lamang.

Ang pinakahuli ay isang MPDC Officer ng Datu Montawal na si Engr. Ronald Bantiding na binaril habang pauwi mula sa trabaho noong Miyerkules ng hapon habang kritikal naman ang kasama nitong MENRO Officer na si Nestor Salama na ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa Kidapawan Medical Specialist Center sa Kidapawan City. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento