Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ika-114th Selebrasyon ng araw ng Kalayaan; ipagdiriwang rin ngayong umaga ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 12, 2012) ---Noon pang Mayo a-28 sinimulang inilagay sa Rizal Park ng Municipal compound ng Kabacan ang Pambansang watawat ng Pilipinas, bilang paghahanda sa gagawing selebrasyon ng ika isang daan at labing apat na taong paggunita ng araw ng Kalayaan ng Pilipinas.


Kaugnay nito, gagawing ngayong umaga ang programa hinggil sa ika- isangdaan at labing apat na taong selebrasyon ng Independence day na isasagawa mamayang alas 7:00 sa Municipal Plaza.


Magiging panauhing pandangal at tagapagsalita si Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 16 12th Judicial Region Hon. Alandrex Betoya sa nasabing programa.  
   
Dadalo rin ang punong ehekutibo ng bayan na si Kabacan Mayor George Tan, Vice Mayor Pol dulay at ilan pang mga opisyal kasama na ang mga kawani ng LGU.  
                                                                                                                   
Nakatuon ang selebrasyon ng nasabing programa sa temang “Pananagutan ng Bayan para sa tuwid na daan” kungsaan maging ang USM ay makikiisa rin sa nasabing pagdiriwang. (Rhoderick Benez)                                            



0 comments:

Mag-post ng isang Komento