Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga pangunahing kalye ng Poblacion, Kabacan at mga mabababang lugar; binaha

(Kabacan, North Cotabato/June 11, 2012) ---Tumaas ang lebel ng tubig ngayong umaga sa Kabacan river na siyang binabantayan ngayon ng mga otoridad dahil sa posibleng pag-apaw pa nito.


Una rito binaha rin ang ilang mga pangunahing kalye ng Poblacion Kabacan kagabi matapos na bumuhos ang malakas na ulan.



Kabilang sa mga lugar na binaha ay ang Mercado St, kungsaan nahirapan ang ilang mga motorist na dumaan sa nasabing kalye
kagabi dahil sa mataas na tubig.

Binaha rin ang 2nd Block, Villanueva kungsaan pinasok rin ng tubig ang ilang mga pamamahay ng mga residente. Maging ang abellera st buhat sa National highway ay mataas din ang tubig bahay batay sa pag-iikot ng Newsteam kagabi.

Bagama’t di masayadong binaha ang USM Avenue, nakaranas naman ng power interruption ang feeder 11 na linya ng kuryente, ito makaraang masira ang linya ng cotelco dala ng malakas na buhos ng ulan kasabay pa ng hangin kahapon ng hapon.

Wala namang katotohanan ang balitang walang pasok sa USM, dahil sa mga pagbaha na siyang ipinakakalat sa pamamagitan ng text sa katunayan ay gagawin ang lingguhang convocation ngayong alas 6:00 ng umaga saUSM amphitheatre.   

Sa report ngayong umaga, hanggang sa mga oras na ito ay di pa rin tuluyang nag     subside ang tubig baha sa purok Masagana, Poblacion ng Kabacan makaraang          bumuhos ang malakas na ulan kagabi.

Nabatid ayon kay Cotelco director Samuel Dapon na patuloy na binabaha ang ilang mga erya sa Purok Masagana at sa ilan pang mga mababanag lugar ng poblacion. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento