Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pinaniniwalaang “Salvage victim” na natagpuan sa Kabacan, wala pa ring pagkakakilanlan

(Kabacan, North Cotabato/June 12, 2012) ---Hanggang sa mga oras na ito, walang pa ring mga kamag-anak ang pumunta upang kilalanin ang salvage victim na itinapon sa taniman sa palayan sa may sitio Malabuaya, Brgy. kayaga, Kabacan, Cotabato.

Nakita ang nasabing bangkay ng may ari ng sakahan dakong alas 7:00 ng umaga kahapon.

ayon sa report ng kabacan PNP, nabatid mula kay Supt. Raul Supiter, chief of police ng bayan na ang biktima ay nagtamo ng sugat sa ulo na posibleng naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Batay sa paglalarawan ng mga imbestigador, suot ng biktima ang kulay itim na na shirt na may nakasulat sa itaas ng kanang bahagi ng kanyang damit na “Pikit Cotabato” na may logo ng fighting cock habang naka sulat naman ang katagang house kristo sa likurang bahagi ng kanyang damit.

Nabatid na kapwa may mga tattoo ang itaas na bahagi ng kanyang mga braso.

Sa ngayon ang labi ng biktima ay dinala na sa Jusa Funeral homes, brgy. Osias, Kabacan, Cotabato. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento