Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 minor de edad na mga bata; huling nagbebenta ng illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 12, 2012) ---Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang mga minor de edad na mga bata makaraang mahuling nagbebenta ng illegal na droga, partikular na ng shabu sa Quirino St., Poblacion, Kabacan.


P/Supt. Raul Supiter, Chief of Police 
Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP mismong ang mga magulang ng mga bata ang nag-utos sa kanila na ibenta ang nasabing droga.

Isinailalim na ngayon sa pangangalaga ng WCPD at MSWDO Kabacan ang dalawang mga bata. 
                                                                                                     
Ikinababahala naman ni Supiter ang nasabing balita dahil, mismong ang mga minor de edad na walang kamuwang-muwang ang ngayon ay ginagamit na ng mga notorious drug courier sa pagtutulak ng shabu.                                                   

Giit pa nito na ganito na pala kalala ang problema ng bayan hinggil sa illegal na droga dahil mismong mga bata na ang ginagamit sa pagbebenta ng shabu sa Kabacan. (Rhoderick Beñez)

 

 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento