Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Asher ng last two timbog sa magkahiwalay na operasyon ng Carmen PNP hinggil sa kampanya kontra sa illegal na gambling

(Carmen, North Cotabato/June 13, 2012) ---Timbog ang isang Erik Misa, 34 walang asawa at residente ng Brgy. Malapag sa bayan ng Carmen, North Cotabato matapos na makita sa mismong minamaneho nitong motorsiklo ang mga illegal gambling paraphernalia’s nitong Lunes.


Na-intercept si Misa sa isinagawang check point operations na pinangungunahan ni Police Inspector Generoso Tayo sa PNP/AFP detachment na makikita sa brgy. Tacupan ng nabanggit na bayan habang ipinapatupad nila ang “No helmet No Travel Policy”.

Ayon kay P/Chief Insp. Jordine Maribojo, bigo umanong makapag-presinta si Misa ng kaukulang papeles na kanyang minamanehong motorsiklo at ng siyasatin ng mga otoridad nakita sa kanyang “U-Box” ang mga illegal gambling paraphernalia’s katulad ng tally sheet na ginagamit sa pagpapataya ng illegal numbers game na mas kilala sa tawag na “last two”.

Narekober mula sa kanya ang mga resibo, ballpen at cash money na nagkakahalaga ng P475.00.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Carmen PNP ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa kontra sa kanya. 

Samantala, arestado rin ang isang Agaton Antonio nasa tamang edad residente ng Poblacion, Carmen dahil sa paglabag sa PD 1602 at may case # 5719-C na inisyu ng 3rd MCTC Kabacan.
Sinasabing si Antonio ay asher ng last two at matagal ng wanted sa Carmen PNP, ayon kay Maribojo.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek si SPO2 Flet Jacinto hinggil sa kanilang mas pinaigting na kampanya kontra sa anumang krimen sa bayan ng Carmen. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento