Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Approval ng medical assistance project MOA, hinihintay ng NCot 1st District office

(Midsayap, North Cotabato/June 4, 2012) ---Nais ngayong ipa-alam ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na hindi pa nito hawak ang opisyal na memorandum of agreement o MOA mula sa provincial government kaugnay sa pagpapatuloy ng medical assistance project sa distrito uno ng lalawigan.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ng district office ng opisyal ang MOA na una nang isinumite sa tanggapan ni North Cotabato Governor Emmlyou Mendoza noong May 16 ng taong kasalukuyan.

Kinakailangan ang approval ng pamahalaang panlalawigan na maka-paglaan ng pondo sa Dr. Amado Diaz Provincial Foundation Hospital upang maipatupad nito ang medical assistance project mula sa PDAF o Priority Development Assistance Fund ni Cong. Sacdalan.

Ipinaliwanag naman ni Political Affairs Officer VI Engr. Jerry J. Pieldad na kailangang sundin ang prosesong ito upang masigurong may maayos na ugnayan ang mga ahensya ng gobyerno.

Dagdag ng opisyal, dahil legislative in nature ang trabaho ng mga representante, idadaan dapat sa ahensya ng pamahalaan ang pondo upang ang ahensya mismo ang mangangasiwa sa implementasyon ng proyekto.

Sa kasalukuyan ay ipinapatupad na ng Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City at ng Southern Philippines Medical Center sa Davao City ang medical assistance project na pinondohan mula sa PDAF ni Cong. Sacdalan.

Kung matatandaan ay naglaan na rin ang opisyal ng 200 thousand pesos medical assistance sa Amado Hospital noong nakaraang taon ngunit sa dami ng mga mamamayan nating kailangang matulungan ay naubos na ang natukoy na pondo.

Ang Amado Hospital ay isang primary hospital na pag-aari ng pamahalaan na nakabase sa Midsayap, North Cotabato. (Roderick R. Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento