Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa P9,000 naabu sa nangyaring sunog sa isang gulayan section sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 4, 2012) ---Abot sa mahigit kumulang sa P9,000 ang danyos sa nangyaring sunog sa gulayan section na nasa Kabacan Public Market nitong gabi ng Sabado.


Ayon kay Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon wala namang may naiulat na nasawi o nasaktan sa nangyaring sunog na mabilis namang naapula ng mga kagawad ng pamatay apoy na nirespondihan agad ng grupo ni F01 Michael John flores.

Umabot umano sa unang alarma ang sunog kungsaan posibleng electrical short circuit ang pinagmulan.

Nagsimula ang sunog dakong alas 10:29 at makaraang ng apat na minuto ay tuluyan naman itong naapula. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento