(Alamada, North Cotabato/ October 23, 2012) ---Binisita ng mga Print at Broadcast Media mula sa
Davao City ang Asik-Asik Spring Falls sa Sitio Dulao Brgy Dado Alamada North Cotabato, namangha ang mga mamahayag sa nakita nilang taglay na ganda at hugis ng tinaguring’most beautiful Falls in South East Asia na matatagpuan sa lalawigan ng Cotabato.
Taos pusong nagpapasalamat naman si Cotabato Governor Emmylou”Lala”Talino Mendoza at Alamada Mayor Jun Latasa sa pagtulong ng naturang mga mamahayag mula sa lungsod ng Davao para maianggat at ma-i-promote ang mga tourist distination sa probinsya lalong lalo na ang Asik-Asik Spring Falls.
Nagpasalamat naman si Rhonna Goc-ong ng Sunstar Davao sa mainit na pagsalubong sa kanilang grupo ng LGU Alamada at ng Municipal Information Officer nito na si Wendell Vintalacion na tourist guide ng mga mamahayag patungo sa Asik-Asik Spring Falls.
Na-surprisa naman ang mga Print at Broadcast Media galing ng Davao City sa kanilang tanghalian ng magbigay ng napakalaking letchon baboy si Governor Mendoza at ibat-ibang klaseng prutas sa inisyatibo mismo ng Provincial Chief Information Officer Boy Manangkil.
Ayon kay Leo Ocot Manager ng publishing Division ng Superbalita at Sunstar Davao na hinding-hindi nila makakalimutan ang napakagandang pakikitungo sa kanila ng mga lokal opisyals sa lalawigan ng
Cotabato kung ihambing sa ibang lugar na kanilang pinuntahan,na naghanda pa sa kanila ng pagkain mula sa Provincial Government NG Cotabato at libreng sasakyan ng LGU Alamada.
Dinagdag nina Goc-ong at Ocot na walang duda ang Asik-Asik Spring Falls nga ang pinakamagandang falls sa buong bansa at South East Asia. (GF)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento