(Amas, Kidapawan city/ October 30, 2012) ---Aminado
ngayon si Jail Chief Inspector Mary Chanette Espartero na malaking tulong ang
isasagawang “Justice on Wheels”, ng korte suprema sa malaking bilang ng mga
bilanggo sa BJMP North Cotabato District Jail kung sakaling masimulan na ito.
Ito ang inihayag kahapon ng opisyal sa isang
pulong pambalitaan sa tanggapan ng Bureau of Jail Management and Penology North
Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City kasabay ng pagtatapos ng
National Corrections Consciousness Week.
Ang nasabing hakbang ay deriktiba ni
Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza sa tulong ng Provincial Legal
Office.
Ang Justice on Wheels ay programa ng Korte
Suprema kungsaan, dadalhin ang korte sa piitan, ibig sabihin nito, ang mga
hukom ang pupunta sa mga detainees para doon didinggin ang kaso.
Tinawag na Justice On Wheels dahil may bus
na denisenyong parang court room at doon isasagawa ang hearing ng kaso.
Posibleng masisimulan na ang nasabing
programa ngayong buwan ng Nobyembre, ayon pa kay Espartero.
Giit pa ng opisyal na malaking tulong ang
nasabing hakbang ng gobyerno sa congestion ng mga balanggo dahil abot sa
mahigit sa 100 mga preso ang makakalaya.
Samantala, nabatid mula kay Espartero na may
30 mga high risk detainees ang kanilang bilangguan kagaya ng MILF, NPA at mga miyembro
ng organized crime group.
Apat dito ang inilipat sa Metro Manila
ngayong taon matapos ang ipinalabas na supreme court ruling.
Kaugnay nito, sinisikap naman ng opisyal na
kayang nilang ma protektahan ang seguridad ng kulungan maliban pa sa
isinasagawang nilang koordinasyon sa intelligence community araw-araw para
alamin kung may banta sa seguridad ng jail at agad silang magpapatawag ng
augmentation mula sa Philippine National Police at hukbong Sandatahang Lakas ng
Pilipinas. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento