Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

29% na mga barangay sa bayan ng Kabacan, apektado ng sakit na dengue


(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2012) ---Abot sa 22 katao ang nagkaroon ng sakit na dengue sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon ang naitala ng Kabacan Rural Health Unit.

Ito batay sa report ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon, aniya sa bilang na ito, nangunguna sa may pinakamataas na kaso pa rin ang brgy. Poblacion at ang brgy Osias.

Kaugnay nito batay sa data ng Municipal Epidemiology Surveillance Unit abot sa 29 na porsiento sa mga brgy sa bayan ng Kabacan ang apektado ng naturang sakit sa kabila pa man ng kampanya ng ahensiya para maiwasan ang naturang sakit.

Sinabi naman ni Cabellon, na bumababa ang kaso ng dengue ngayong 3rd quarter kumpara sa 2nd quarter ngayong taon.

Para maiwasan ang sakit na dengue, narito ang ilang mga dapat gawin:

Huwag magtago ng maraming tubig sa bahay. 

Kung kailangan mag-ipon ng tubig, takpan ang lahat ng containers para hindi mapasukan ng lamok.

Palitan ang tubig sa mga plorera sa loob at labas ng bahay araw-araw.

Linisin ang bubong ng bahay lalo na yung mga gutters kung saan pwedeng magbara ang tubig at mangitlog ang mga lamok doon.

Linisin ang bakuran at tanggalin ang mga bagay ng pwedeng bahayan ng lamok tulad ng mga boteng may tubig. Linisin din ang ma canal at huwag magtapon ng basura doon.

Gumamit ng kulambo, screen door at lagyan ng screen ang mga bintana para hind makapasok ang lamok. Magsuot ng long-sleeved shirts at long pants kung pupunta ka sa lugar na maraming lamok. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento