(Kabacan,
North Cotabato/ November 15, 2012) ---Agad na naapula ng mga kagawad ng pamatay
apoy ang nangyaring sunog sa isang residential house na nasa Matalam St., na
nasa likurang bahagi ng Pilot Central Elementary School sa Poblacion, Kabacan,
Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.
Ayon kay
Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang nasabing bahay ay
pagmamay-ari ni Anton Guiang.
Mabilis namang
naagapan ang nasabing sunog.
Wala namang
may naiulat na nasaktan sa nasabing insedente.
Naiwang
luto ang sinasabing dahilan ng nasabing sunog. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento