(Makilala, North
Cotabato/ November 12, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang search and rescue
operation ng mga tanod at pulisya sa nalunod na miyembro ng third sex sa
Malasila river sa bayan ng Makilala, alas 2:30 kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima sa
pangalang Argie Javier, 18 residente ng Sitio New Corilla, Poblacion, Makilala.
Ayon sa report, papauwi
na ang kanilang grupo matapos mag-inuman sa isang tindahan pero bigla lamang
umanong lumukso ang biktima sa gitna ng rumaragsang tubig ng ilog.
Sa unang pagkakataon ay
nagawa pa nitong makatayo sa gitna ng ilog pero sa ikalawang pagkakataon ay
tuluyan nang nalunod si Javier dala ng malakas na current ng Malasila river,
ito dahil sa pag taas ng tubig sa nabanggit na ilog dala ng malakas na buhos ng
ulan.
Agad namang nagsagawa search
and rescue operation ang mga pulisya kasama ang Brgy officials, BPAT members,
at ang ilang mga residente sa paligid subalit bigo po nilang maahon ang katawan
ni Javier.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento