Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Turismo sa North Cotabato, palalakasin

(Kidapawan City/ November 16, 2012)Linahukan ng mga tourism officers mula sa iba’t- ibang bayan ng North Cotabato ang isinagawang Provincial Tourism Strategic Planning Workshop na ginanap sa AJ Hi- Time Hotel nitong November 15 to 16 ng taong kasalukuyan.


Layunin ng nasabing pagsasanay na makagawa ng komprehinsibong action plan para sa ikauunlad ng turismo sa North Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Culture and Arts Foundation Inc. President Butch Ledesma Ferrer na nagsilbing training resource person, malaki ang potensyal ng North Cotabato sa larangan ng turismo.

Dagdag ni Ferrer, kinakailangan lang umanong magkaroron ng komprehinsibong plano sa pagpapalakas ng turismo sa North Cotabato tulad ng paglinang sa mga lokal na talento ng lalawigan.

Matatandaang naging negatibo ang imahen ng North Cotabato sanhi ng mga kaguluhan sa lumipas na mga taon.

Binigyang diin naman ni North Cotabato Provincial Tourism Focal Person Ralph Ryan Rafael na kinakailangang linangin din ang kaalaman ng mga municipal tourism officer upang magkaroon ng malinaw na direksyon sa pagpapalakas ng turismo sa lalawigan.

Kabilang sa mga ginawang aktibidad sa training ay ang tourism branding, mapping, profiling at reporting. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento