Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka patay, matapos masabugan ng granada sa lalawigan ng Sultan Kudarat


(Columbio, Sultan Kudarat/November 14, 2012) ---Patay on the spot ang isang magsasaka makaraang masabugan ng Granada sa loob ng kanyang bahay sa isang brgy sa Columbio, Sultan Kudarat noong Lunes.
Kinilala ang biktima kay Tuansi Payot Dilangalen, 60-anyos, isang magsasaka at residente ng naturang lugar makaraangsumabog ang granada na hinagis sa nakabukas na bintana ng kanilang bahay.
Samantala, kinilala naman ang suspek kay Kumis Bantilan ng nasabi ring lugar.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director S/Supt. Rolen Balquin, away sa lupa ang motibo ng krimen kung saan matagal na diumanong may hindi pagka-intindihan ang biktima at pamilya ng suspek.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Columbio PNP upang matukoy ang suspek sa paghagis ng granada.
Napag-alaman na ito na ang ikatlong insidente ng grenade throwing sa lalawigan ng Sultan Kudarat mula noong nakaraang linggo kung saan pinasabugan ang isang commercial establishment sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat malapit sa tirahan ni Columbio Mayor Emilio Salamanca sa Tacurong City.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento