(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2012)
---Inilatag sa isinagawang Municipal Peace and Order council meeting kahapon
ang ilang mga problemang kinakaharap ng mga alagad ng batas sa pagpapatupad ng
batas sa bayan.
Isa na dito, ang diumano’y kakulangan ng
suporta ng LGU sa Kabacan Municipal Police Station na agad namang tinugunan ito
ng council sa nasabing pagpupulong ng MPOC.
Ayon kay Budget Officer Ammabelle Travila
may mahigit sa P100,000 ang pondong inilaaan ng LGU para sa Pulisya partikular
na sa kanilang gasolina.
Kung dati, P500 lang ang ibinibigay na
budget ngayon P1,500 na ang ibinibigay na alokasyon ng punong ehekutibo every
other day para sa pang gasolina sa patrol car ng PNP.
Ang nasabing pondo ay kinukuha sa
confidential Expenses at Intelligence fund ni Kabacan Mayor George Tan.
Maliban dito, nasira rin ng ilang buwan ang
Patrol Car ng PNP na hanggang ngayon ay di pa nagagamit, ito dahil sa inoorder
pa ang piyasa para sa nasabing sasakyan.
Pero ginagawan naman ito ngayon ng aksiyon
ng LGU na ipaayos para magamit na ang nasabing patrol car sa lalong medaling
panahon.
Pansamantalang ginagamit muna ngayon ng
Kabacan PNP ang sasakyan ng LGU para sa visibility patrol at iba pa.
Kung matatandaan ang bayan ng Kabacan ang
isa sa progresibong bayan sa North Cotabato na mabilis ang pag-angat ng
ekonomiya dahilan kung bakit umaapela din ng mga alagad ng batas na paiigtingin
ang enforcement law ng bayan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento