Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga programa ng Pamantasan palalakasin sa pamamagitan ng Radyo

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2012) ---Lalo ngayong pinalakas ng University of Southern Mindanao ang kanyang himpilang DXVL Radyo ng Bayan 94.9 na nasa Frequency Modulation o FM band sa mga pihitan ng inyung mga radyo matapos ang ginawang system overhaul nito bilang bahagi ng level-up commitment ng istasyon.


Ito ayon kay DXVL – Radyo ng Bayan Station Manager Dr. Anita Tacardon bilang pagkilala sa malaking papel na ginagampanan ng radyo sa pagpapalaganap ng mga makabuluhang impormasyon sa pamamagitan ng himpapawid.


Ang nasabing hakbang ay pinangunahan din ni USM Pres. Dr. Jess Antonio Derije para lalo pang i-promote sa pamamagitan ng radyo ang fourfold functions ng USM at mga programa nitong makakatulong sa mga mamamayan na nasasakupan ng Pamantasan.

Sa ngayon iba’t-ibang mga programa na ang niluluto ng himpilan para lalo pa nitong pagsilbihan ang taong bayan sa pagbibigay ng mga napapanahong balita, makabuluhang impormasyon, magagandang musika at mga nakaka-aliw na programa.

Ang DXVL ay pinapatakbo sa pamamagitan ng mga lisensiyadong personnel, Engr. Gerardo Ulep, Chief of Technical Operations ECE permit number 0014-501, Oscar Barroga, first Class Radio Telephone Operator Registration number 92-IP12-1277 at Ulderico Lavalle, Jr.-Technical Operations Supervisor, Registration number 000859, sa ilalim ng pamamahala ng University of Southern Mindanao na pinangungunahan ni Station Manager Dr. Anita Tacardon.

Ang aming studio, offices at transmitter ay makikita sa College of Arts and Sciences, USM Compound, Kabacan, Cotabato.

Ang himpilang DXVL Radyo ng Bayan ay kasapi ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP, National Union of Journalist of the Philippines o NUJP at ng Mindanao Press Corp. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento