MATALAM, Cotabato (Apr. 19) – Dala ang matinding
deteminasyon at pag-asa, tumulak patungong Pasay City noong Sabado ang “Grupong
Muscovado” ng Matalam High School upang lumahok sa isa sa pinakamalaking fiesta
sa bansa – ang Aliwan Fiesta.
Kabilang sa “Grupong
Muscovado” ang mahigit 100 contingents na binubuo ng mga cultural street
dancers, drummers, trainers, mga guro at iba pang support group na sa loob ng
mahigit dalawang buwan ay sumailalim sa masinsinang pagsasanay.
Ayon kay Ralph Ryan
Rafael, Provincial Governor’s Office Media Affairs Focal Person at Overall
Coordinator ng “Grupong Muscovado”, ipakikita ng grupo ang masaganang ani ng
tubo at produktong asukal ng bayan ng Matalam tulad ng muscovado.
Ito ay sa
pamamagitan ng sayaw kasabay ang pagpapakita ng angking yaman ng Kalivungan
Festival o pagtitipon ng mga tribu na siya namang ipinagdiriwang sa tuwing
sasapit ang anibesaryo ng lalawigan ng Cotabato.
Ayon pa kay Rafael,
nais ipakita ng “Grupong Muscovado” ang kanilang kakayahan sa cultural street
dancing at sisikaping makuha ang kampeonato ng Aliwan Festival 2014 sa April
24-26.
Nag-kampeon ang
“Grupong Muscovado” ng Matalam High School sa Kalivungan Festival Street Dancing
Competition noong 2013 at siyang naging pambato ng Cotabato province sa Sinulog
Festival ng kaparehong taon.
Sinabi naman ni
Ricky A. Dalida, Principal ng Matalam High School na malaki ang pasasalamat ng
paaralan sa tiwala at suportang ipinagkaloob ni Cot. Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza sa Grupong Muscovado. ‘
Naglaan ng sapat na
pondo ang Provincial Government of Cotabato para sa rehearsals, travel, food at
accommodation ng mga contingents, bagay na ipinagpasalamat ng pamunuan ng
Matalam High School.
Sumuporta din sina
Matalam Mayor Oscar Valdevieso at Board Member Maybelle Valdevieso sa Grupong
Muscovado na ayon sa kanila ay tunay na karangalan para sa Matalam.
Maging mga magulang
ay tuwang-tuwa sa pagsabak ng kanilang mga anak sa Aliwan Fiesta kasabay ang
pasasalamat sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan sa tiwala at suporta sa
Grupong Muscovado. (JIMMY STA. CRUZ/PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento