(Mlang, North Cotabato/ April 21, 2014) ---Brutal
na kamatayan ang sinapit ng dalawang mga menor de edad matapos na matagpuan ang
mga bangkay ng mga ito sa Purok Saranay, Barangay New Rizal, bayan ng Mlang,
North Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ni PSI Sunny Leoncito, hepe ng
Mlang PNP ang mga biktima na sina Christian Dave Billeza, 15 residente ng
Barangay Tawan-tawan at Ruben Loranya, 15 taga Riverside, Poblacion kapwa mula
sa nabanggit na bayan.
Batay sa ulat, tinalian muna ang mga kamay
at paa ng dalawang mga biktima bago pinagbabaril gamit ang kalibre .45 at 9mm
na pistol bilang palatandaan na biktima ang mga ito ng summary execution.
Posibleng sa nasabing barangay din pinaslang
ang mga biktima dahil nakita sa crime scene ang mga basyo ng bala ng nasabing
mga armas.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung
sinu ang nasa likod ng nasabing summary execution. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento