Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Resulta ng mga pumasa sa CHED Tulong Dunong scholarship program ilalabas sa Mayo

Written by: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 22, 2014) ---Nais ipaalam ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan sa mga aplikante ng scholarship program sa Distrito Uno na kailangang hintayin ang resulta ng gagawing screening at ranking process ng Commission on Higher Education o CHED Regional Office XII.

Ito umano advise ng pamunuan ng CHED XII sa lahat ng mga aplikante ng Tulong Dunong Student Financial Assistance.


Kaugnay nito ay hiniling ni Rep. Sacdalan ang mga aplikante na bigyan ng pagkakataon at sapat na oras ang CHED na isailalim ang mga aplikasyon sa masusing proseso ng pagpili.

Ayon sa tanggapan ng kongresista, inaaasahan nila ang resulta ng mga pumasa sa aplikasyon sa susunod na buwan.

Target umano ng CHED XII na mailabas ang opisyal na listahan sa ikatlong Linggo ng Mayo bago ang enrolment period.

Ipapatawag naman umano ang lahat ng pumasa sa screening para sa orientation na gagawin sa Kapayapaan Hall ng District Office ng kongresista sa bayan Midsayap.





0 comments:

Mag-post ng isang Komento